Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 72)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka sa pamamagitan ng mga yaman nila at mga sarili nila ayon sa landas ni Allāh at ang mga kumanlong at nag-adya, ang mga iyon ang mga katangkilik ng isa’t isa sa kanila. Ang mga sumampalataya at hindi lumikas ay walang ukol sa inyo na pagtangkilik sa kanila na anuman hanggang sa lumikas sila. Kung nagpaadya sila sa inyo sa Relihiyon, kailangan sa inyo ang pag-adya maliban sa laban sa mga taong sa pagitan ninyo at nila ay may kasunduan. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita. (72)
Tafsīr
Tunay na ang mga sumampalataya kay Allāh at naniwala sa Sugo Niya, gumawa ayon sa batas niya, lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām o tungo sa isang lugar na sinasamba si Allāh roon nang matiwasay, at nakibaka sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga ari-arian nila at pagkakaloob ng mga sarili nila para sa pagtataas sa Salita ni Allāh; at ang mga nagpatahan sa kanila sa mga tahanan ng mga ito at nag-adya sa kanila – ang mga lumikas na iyon at ang mga nag-adya sa kanila kabilang sa mga mamamayan ng Madīnah – ay mga katangkilik ng isa’t isa sa pag-aadya at pagtulong. Ang mga sumampalataya kay Allāh at hindi lumikas mula sa bayan ng kawalang-pananampalataya tungo sa bayan ng Islām ay walang tungkulin sa inyo, O mga mananampalataya, na mag-adya kayo sa kanila at magsanggalang kayo sa kanila hanggang sa lumikas sila ayon sa landas ni Allāh. Kung lumabag sa kanila sa katarungan ang mga tagatangging sumampalataya saka humiling sila mula sa inyo ng pag-aadya ay mag-adya kayo sa kanila laban sa kaaway nila malibang kapag nangyaring sa pagitan ninyo at ng kaaway nila ay may kasunduang hindi sinira ng mga iyon. Si Allāh sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula sa mga gawain ninyo. Gaganti Siya sa inyo sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: