Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 73)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga tumangging sumampalataya ay mga katangkilik ng isa’t isa sa kanila. Kung hindi ninyo gagawin [ang pagtangkilik na] ito ay may mangyayaring isang sigalot sa lupa at isang malaking katiwalian. (73)
Tafsīr
Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh ay pinagbubuklod ng kawalang-pananampalataya kaya nag-aadya ang iba sa kanila sa iba. Kaya naman huwag silang tangkilikin ng isang mananampalataya. Kung hindi kayo tatangkilik sa mga mananampalataya at kakalaban sa mga tagatangging sumampalataya, may mangyayaring isang sigalot para sa mga mananampalataya yayamang hindi sila nakatagpo ng mag-aadya sa kanila mula sa mga kapatid nila sa Relihiyon at may mangyayaring isang mabigat na katiwalian sa lupa dahil sa pagbalakid sa landas ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: