Surah Al-Anfāl (Ang mga Nasamsam — الأنفال) (Talata 74)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




8 Al-Anfāl(الأنفال), Talata 74

وَالَّذِينَ آمَنُوا وَهَاجَرُوا وَجَاهَدُوا فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَالَّذِينَ آوَوْا وَنَصَرُوا أُولَٰئِكَ هُمُ الْمُؤْمِنُونَ حَقًّا ۚ لَهُمْ مَغْفِرَةٌ وَرِزْقٌ كَرِيمٌ 74 ٧٤

Ang mga sumampalataya, lumikas, at nakibaka ayon sa landas ni Allāh, at ang mga kumanlong at nag-adya, ang mga iyon ay ang mga mananampalataya nang totohanan. Ukol sa kanila ay isang kapatawaran at isang panustos na masagana [sa Paraiso]. (74)

Tafsīr
Ang mga sumampalataya kay Allāh at lumikas ayon sa landas Niya, at ang mga kumanlong sa mga lumikas ayon sa landas ni Allāh at nag-adya sa kanila, ang mga iyon ay ang mga nailalarawan sa katangian ng pananampalataya nang totohanan. Ang ganti sa kanila mula kay Allāh ay isang kapatawaran sa mga pagkakasala nila at isang panustos na masagana mula sa Kanya: ang Paraiso.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba