Surah At-Takwīr (Ang Pagliligpit) — سُورَةُ التكوير
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
إِذَا الشَّمْسُ كُوِّرَتْ i
81:1Kapag ang araw ay ipinulupot, (1)
وَإِذَا النُّجُومُ انْكَدَرَتْ i
81:2kapag ang mga bituin ay pumanglaw, (2)
وَإِذَا الْجِبَالُ سُيِّرَتْ i
81:3kapag ang mga bundok ay iuusad, (3)
وَإِذَا الْعِشَارُ عُطِّلَتْ i
81:4kapag ang mga buntis na kamelyo ay pinabayaan, (4)
وَإِذَا الْوُحُوشُ حُشِرَتْ i
81:5kapag ang mga mailap na hayop ay kinalap, (5)
وَإِذَا الْبِحَارُ سُجِّرَتْ i
81:6kapag ang mga dagat ay pinagliyab, (6)
وَإِذَا النُّفُوسُ زُوِّجَتْ i
81:7kapag ang mga kaluluwa ay ipinagpares, (7)
وَإِذَا الْمَوْءُودَةُ سُئِلَتْ i
81:8kapag ang [batang] babaing inilibing nang buhay ay tatanungin (8)
بِأَيِّ ذَنْبٍ قُتِلَتْ i
81:9dahil sa aling pagkakasala siya pinatay, (9)
وَإِذَا الصُّحُفُ نُشِرَتْ i
81:10kapag ang mga pahina [ng tala ng gawa ng tao] ay inilatag, (10)
وَإِذَا السَّمَاءُ كُشِطَتْ i
81:11kapag ang langit ay tinuklap, (11)
وَإِذَا الْجَحِيمُ سُعِّرَتْ i
81:12kapag ang Impiyerno ay pinagliyab, (12)
وَإِذَا الْجَنَّةُ أُزْلِفَتْ i
81:13at kapag ang Paraiso ay pinalapit [sa mga mananampalataya]; (13)
عَلِمَتْ نَفْسٌ مَا أَحْضَرَتْ i
81:14malalaman ng isang kaluluwa ang ilalahad nito [na maganda at masagwa]. (14)
فَلَا أُقْسِمُ بِالْخُنَّسِ i
81:15Kaya talagang sumusumpa Ako sa mga bituing umuurong, (15)
الْجَوَارِ الْكُنَّسِ i
81:16na umiinog na nagtatago, (16)
وَاللَّيْلِ إِذَا عَسْعَسَ i
81:17at sa gabi kapag umurong-sulong ito, (17)
وَالصُّبْحِ إِذَا تَنَفَّسَ i
81:18at sa madaling-araw kapag huminga ito; (18)
إِنَّهُ لَقَوْلُ رَسُولٍ كَرِيمٍ i
81:19tunay na [ang Qur’ān na] ito ay talagang sinabi [ni Allāh] sa isang sugong marangal, (19)
ذِي قُوَّةٍ عِنْدَ ذِي الْعَرْشِ مَكِينٍ i
81:20[si Anghel Gabriel] na may lakas sa ganang May-ari ng Trono, na mataas sa kalagayan, (20)
مُطَاعٍ ثَمَّ أَمِينٍ i
81:21na tinatalima [ng mga anghel], pagkatapos mapagkakatiwalaan. (21)
وَمَا صَاحِبُكُمْ بِمَجْنُونٍ i
81:22[O mga tao,] ang kasamahan ninyo [na si Propeta Muḥammad] ay hindi isang baliw. (22)
وَلَقَدْ رَآهُ بِالْأُفُقِ الْمُبِينِ i
81:23Talaga ngang nakakita siya rıto [kay Anghel Gabriel] sa abot-tanaw na malinaw. (23)
وَمَا هُوَ عَلَى الْغَيْبِ بِضَنِينٍ i
81:24Siya, [sa pagpapaabot ng kaalaman] sa nakalingid, ay hindi isang sakim. (24)
وَمَا هُوَ بِقَوْلِ شَيْطَانٍ رَجِيمٍ i
81:25[Ang Qur’ān na] ito ay hindi sinabi ng isang demonyong kasumpa-sumpa. (25)
فَأَيْنَ تَذْهَبُونَ i
81:26Kaya saan kayo pupunta? (26)
إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرٌ لِلْعَالَمِينَ i
81:27Walang iba ito kundi isang paalaala para sa mga nilalang, (27)
لِمَنْ شَاءَ مِنْكُمْ أَنْ يَسْتَقِيمَ i
81:28para sa sinumang lumoob kabilang sa inyo na magpakatuwid, (28)
وَمَا تَشَاءُونَ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ اللَّهُ رَبُّ الْعَالَمِينَ i
81:29at hindi kayo magloloob maliban na lumuob si Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang. (29)