Surah Al-Infiṭār (Ang Pagkabiyak) — سُورَةُ الإنفطار
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
إِذَا السَّمَاءُ انْفَطَرَتْ i
Kapag ang langit ay nabitak, (1)
وَإِذَا الْكَوَاكِبُ انْتَثَرَتْ i
kapag ang mga tala ay kumalat, (2)
وَإِذَا الْبِحَارُ فُجِّرَتْ i
kapag ang mga dagat ay isinambulat, (3)
وَإِذَا الْقُبُورُ بُعْثِرَتْ i
at kapag ang mga libingan ay hinalukay; (4)
عَلِمَتْ نَفْسٌ مَا قَدَّمَتْ وَأَخَّرَتْ i
malalaman ng isang kaluluwa ang ipinauna niya at ipinaantala niya [na mga gawa]. (5)
يَا أَيُّهَا الْإِنْسَانُ مَا غَرَّكَ بِرَبِّكَ الْكَرِيمِ i
O tao, ano ang luminlang sa iyo hinggil sa Panginoon mo, ang Mapagbigay? (6)
الَّذِي خَلَقَكَ فَسَوَّاكَ فَعَدَلَكَ i
[Siya] ang lumikha sa iyo, saka humubog sa iyo, saka nagpaangkop sa iyo. (7)
فِي أَيِّ صُورَةٍ مَا شَاءَ رَكَّبَكَ i
Sa alinmang anyo na niloob Niya ay bumuo Siya sa iyo. (8)
كَلَّا بَلْ تُكَذِّبُونَ بِالدِّينِ i
Aba’y hindi! Bagkus nagpapasinungaling kayo sa pagtutumbas [sa mga gawa]. (9)
وَإِنَّ عَلَيْكُمْ لَحَافِظِينَ i
Tunay na sa inyo ay talagang may mga tagapag-ingat, (10)
كِرَامًا كَاتِبِينَ i
na mararangal na mga tagasulat. (11)
يَعْلَمُونَ مَا تَفْعَلُونَ i
Nakaaalam sila sa anumang ginagawa ninyo. (12)
إِنَّ الْأَبْرَارَ لَفِي نَعِيمٍ i
Tunay na ang mga mabuting-loob ay talagang nasa isang kaginhawahan. (13)
وَإِنَّ الْفُجَّارَ لَفِي جَحِيمٍ i
Tunay na ang mga masamang-loob ay talagang nasa isang impiyerno. (14)
يَصْلَوْنَهَا يَوْمَ الدِّينِ i
Masusunog sila roon sa Araw ng Pagtutumbas. (15)
وَمَا هُمْ عَنْهَا بِغَائِبِينَ i
Sila palayo roon ay hindi mga makaliliban. (16)
وَمَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ i
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? (17)
ثُمَّ مَا أَدْرَاكَ مَا يَوْمُ الدِّينِ i
Pagkatapos ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Araw ng Pagtutumbas? (18)
يَوْمَ لَا تَمْلِكُ نَفْسٌ لِنَفْسٍ شَيْئًا ۖ وَالْأَمْرُ يَوْمَئِذٍ لِلَّهِ i
[Iyon ay] sa Araw na hindi makapagdudulot ang isang kaluluwa sa isang kaluluwa ng anuman at ang pag-uutos sa Araw na iyon ay ukol kay Allāh. (19)