Surah Al-A‘lā (Ang Kataas-taasan) — سُورَةُ الأعلى
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
سَبِّحِ اسْمَ رَبِّكَ الْأَعْلَى i
87:1Magluwalhati ka sa ngalan ng Panginoon mo, ang Pinakamataas, (1)
الَّذِي خَلَقَ فَسَوَّىٰ i
87:2na lumikha saka humubog, (2)
وَالَّذِي قَدَّرَ فَهَدَىٰ i
87:3na nagtakda saka nagpatnubay, (3)
وَالَّذِي أَخْرَجَ الْمَرْعَىٰ i
87:4na nagpalabas ng pastulan, (4)
فَجَعَلَهُ غُثَاءً أَحْوَىٰ i
87:5saka gumawa Siya rito na yagit na nangingitim. (5)
سَنُقْرِئُكَ فَلَا تَنْسَىٰ i
87:6Magpapabigkas Kami sa iyo kaya hindi ka makalilimot, (6)
إِلَّا مَا شَاءَ اللَّهُ ۚ إِنَّهُ يَعْلَمُ الْجَهْرَ وَمَا يَخْفَىٰ i
87:7maliban sa niloob ni Allāh. Tunay na Siya ay nakaaalam sa lantad at anumang nagkukubli. (7)
وَنُيَسِّرُكَ لِلْيُسْرَىٰ i
87:8Magpapadali Kami sa iyo para sa pinakamadali. (8)
فَذَكِّرْ إِنْ نَفَعَتِ الذِّكْرَىٰ i
87:9Kaya magpaalaala ka kung mapakikinabangan ang paalaala. (9)
سَيَذَّكَّرُ مَنْ يَخْشَىٰ i
87:10Magsasaalaala ang sinumang natatakot [kay Allāh] (10)
وَيَتَجَنَّبُهَا الْأَشْقَى i
87:11at umiiwas dito ang pinakamalumbay, (11)
الَّذِي يَصْلَى النَّارَ الْكُبْرَىٰ i
87:12na masusunog sa Apoy na pinakamalaki. (12)
ثُمَّ لَا يَمُوتُ فِيهَا وَلَا يَحْيَىٰ i
87:13Pagkatapos hindi siya mamamatay roon at hindi mabubuhay. (13)
قَدْ أَفْلَحَ مَنْ تَزَكَّىٰ i
87:14Nagtagumpay nga ang sinumang nagpakabusilak [mula sa kasamaan] (14)
وَذَكَرَ اسْمَ رَبِّهِ فَصَلَّىٰ i
87:15at bumanggit sa ngalan ng Panginoon niya saka nagdasal. (15)
بَلْ تُؤْثِرُونَ الْحَيَاةَ الدُّنْيَا i
87:16Bagkus nagtatangi kayo ng buhay na pangmundo (16)
وَالْآخِرَةُ خَيْرٌ وَأَبْقَىٰ i
87:17samantalang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti at higit na nananatili. (17)
إِنَّ هَٰذَا لَفِي الصُّحُفِ الْأُولَىٰ i
87:18Tunay na ito ay talagang nasa mga unang kalatas, (18)
صُحُفِ إِبْرَاهِيمَ وَمُوسَىٰ i
87:19na mga kalatas nina Abraham at Moises. (19)