Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga nangungunang kauna-unahan kabilang sa mga tagalikas at mga tagaadya at ang mga sumunod sa kanila ayon sa paggawa ng maganda ay nalugod si Allāh sa kanila at nalugod sila sa Kanya. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy mula sa ilalim ng mga ito ang mga ilog bilang mga mananatili sa mga ito magpakailanman. Iyon ang pagkatamong sukdulan. (100)
Tafsīr
Ang mga nagdali-dali, una, sa pananampalataya kabilang sa mga lumikas mula sa mga tahanan nila at mga bayan nila patungo kay Allāh at kabilang sa mga tagaadya na nag-adya sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang mga sumunod sa mga lumikas at mga tagaadya na mga nauna sa pananampalataya nang may paggawa ng maganda sa pinaniniwalaan, mga sinasabi, at mga ginagawa ay nalugod si Allāh sa kanila kaya tinanggap Niya ang pagtalima nila. Nalugod sila sa Kanya dahil sa ibinigay Niya sa kanila na gantimpala Niyang sukdulan. Naghanda Siya para sa kanila ng mga hardin na dumadaloy ang mga ilog sa ilalim ng mga palasyo ng mga ito bilang mga mamamalagi sa mga ito magpakailanman. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: