Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 101)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 101

وَمِمَّنْ حَوْلَكُمْ مِنَ الْأَعْرَابِ مُنَافِقُونَ ۖ وَمِنْ أَهْلِ الْمَدِينَةِ ۖ مَرَدُوا عَلَى النِّفَاقِ لَا تَعْلَمُهُمْ ۖ نَحْنُ نَعْلَمُهُمْ ۚ سَنُعَذِّبُهُمْ مَرَّتَيْنِ ثُمَّ يُرَدُّونَ إِلَىٰ عَذَابٍ عَظِيمٍ 101 ١٠١

Kabilang sa nasa paligid ninyo kabilang sa mga Arabeng disyerto ay mga mapagpaimbabaw at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah. Namihasa sila sa pagpapaimbabaw. Hindi ka nakaaalam sa kanila; Kami ay nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin Namin sila nang dalawang ulit [sa Mundo at Kabilang-buhay], pagkatapos itutulak sila sa isang pagdurusang sukdulan [sa Impiyerno]. (101)

Tafsīr
Kabilang sa kanilang mga malapit sa Madīnah kabilang sa mga naninirahan sa ilang ay mga mapagpaimbabaw at kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay mga mapagpaimbabaw. Nagpanatili sila ng pagpapaimbabaw at nagpakatatag sila rito. Hindi ka nakaaalam sa kanila, O Sugo; si Allāh ay ang nakaaalam sa kanila. Pagdurusahin sila ni Allāh nang dalawang ulit: isang ulit sa Mundo sa pamamagitan ng pagkakalantad ng pagpapaimbabaw nila, pagkapatay sa kanila, at pagkabihag sa kanila; at isang ulit sa Kabilang-buhay sa pamamagitan ng pagdurusa sa libingan. Pagkatapos itutulak sila sa Araw ng Pagbangon tungo sa isang pagdurusang sukdulan sa pinakamababang palapag ng Apoy.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba