Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 102)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 102

وَآخَرُونَ اعْتَرَفُوا بِذُنُوبِهِمْ خَلَطُوا عَمَلًا صَالِحًا وَآخَرَ سَيِّئًا عَسَى اللَّهُ أَنْ يَتُوبَ عَلَيْهِمْ ۚ إِنَّ اللَّهَ غَفُورٌ رَحِيمٌ 102 ١٠٢

May mga ibang umamin sa mga pagkakasala nila. Naghalo sila sa isang gawang maayos ng iba pang masagwa. Marahil si Allāh ay tatanggap ng pagbabalik-loob sa kanila. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (102)

Tafsīr
Kabilang sa mga naninirahan sa Madīnah ay mga iba pang taong nagpaiwan sa paglusob nang walang kadahilanan, saka umamin sila sa mga sarili nila na sila ay hindi nagkaroon ng isang kadahilanan at hindi naglahad ng mga kadahilanang sinungaling. Naghalo sila sa gawang masagwa ng mga gawa nilang maayos na nauna gaya ng pagsasagawa ng pagtalima kay Allāh, pananatili sa mga batas Niya, at pakikibaka ayon sa landas Niya. Umaasa sila mula kay Allāh na tumanggap Siya sa kanila ng pagbabalik-loob at magpalampas Siya sa kanila [ng kasalanan]. Tunay na si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba