Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
May mga ibang inaantala para sa atas ni Allāh, na maaaring magpaparusa Siya sa kanila at maaaring tatanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila. Si Allāh ay Maalam, Marunong. (106)
Tafsīr
Kabilang sa mga nagpapaiwan palayo sa paglusob sa Tabūk ay mga ibang taong hindi nagkaroon ng kadahilanan kaya ang mga ito ay ipinagpapaliban para sa paghuhusga ni Allāh at paghahatol Niya sa kanila. Hahatol Siya sa kanila ayon sa loloobin Niya: na magpaparusa Siya sa kanila kung hindi sila nagbalik-loob sa Kanya o na tatanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila kung nagbalik-loob sila. Si Allāh ay Maalam sa sinumang nagiging karapat-dapat sa parusa Niya at sinumang nagiging karapat-dapat sa paumanhin Niya, Marunong sa batas Niya at pangangasiwa Niya. Ang mga ito ay sina Murārah bin Ar-Rabī`, Ka`b bin Mālik, at Hilāl bin Umayyah.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: