Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 107)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 107

وَالَّذِينَ اتَّخَذُوا مَسْجِدًا ضِرَارًا وَكُفْرًا وَتَفْرِيقًا بَيْنَ الْمُؤْمِنِينَ وَإِرْصَادًا لِمَنْ حَارَبَ اللَّهَ وَرَسُولَهُ مِنْ قَبْلُ ۚ وَلَيَحْلِفُنَّ إِنْ أَرَدْنَا إِلَّا الْحُسْنَىٰ ۖ وَاللَّهُ يَشْهَدُ إِنَّهُمْ لَكَاذِبُونَ 107 ١٠٧

[May] mga gumawa sa isang masjid bilang pamiminsala, bilang kawalang-pananampalataya, bilang paghahati-hati sa pagitan ng mga mananampalataya, at bilang pagtatambang para sa sinumang nakidigma kay Allāh at sa Sugo Niya bago pa niyan. Talagang manunumpa nga sila: “Wala kaming ninais kundi ang pinakamaganda,” samantalang si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling. (107)

Tafsīr
Kabilang sa mga mapagpaimbabaw rin ay ang mga nagpatayong iyon ng isang masjid para sa hindi pagtalima kay Allāh, bagkus para sa pagpinsala sa mga Muslim at paghahayag ng kawalang-pananampalataya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa mga kampon ng pagpapaimbabaw, para sa paghahati-hati sa pagitan ng mga mananampalataya, at para sa paghihintay sa sinumang nakidigma kay Allāh at sa Sugo Niya bago pa ng pagpapatayo ng masjid. Talagang manunumpa nga ang mga mapagpaimbabaw na ito sa inyo: "Wala kaming nilayon kundi ang kabaitan sa mga Muslim," samantalang si Allāh ay sumasaksi na tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pag-aangkin nilang ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba