Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at lupa. Nagbibigay-buhay Siya at nagbibigay-kamatayan Siya. Walang ukol sa inyo bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapag-adya. (116)
Tafsīr
Tunay na si Allāh ay nagtataglay ng paghahari sa mga langit at paghahari sa lupa. Walang katambal sa Kanya sa mga ito. Walang nakakukubli sa Kanya sa mga ito na isang tagakubli. Nagbibigay-buhay Siya sa sinumang niloob Niya ang pagbibigay-buhay at nagbibigay-kamatayan Siya sa sinumang niloob Niya ang pagbibigay-kamatayan. Walang ukol sa inyo, O mga tao, maliban pa kay Allāh na anumang katangkilik na tatangkilik sa mga nauukol sa inyo at walang ukol sa inyo na anumang mapag-adyang magtutulak palayo sa inyo ng kasagwaan at mag-aadya sa inyo laban sa kaaway ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: