Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 118)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 118

وَعَلَى الثَّلَاثَةِ الَّذِينَ خُلِّفُوا حَتَّىٰ إِذَا ضَاقَتْ عَلَيْهِمُ الْأَرْضُ بِمَا رَحُبَتْ وَضَاقَتْ عَلَيْهِمْ أَنْفُسُهُمْ وَظَنُّوا أَنْ لَا مَلْجَأَ مِنَ اللَّهِ إِلَّا إِلَيْهِ ثُمَّ تَابَ عَلَيْهِمْ لِيَتُوبُوا ۚ إِنَّ اللَّهَ هُوَ التَّوَّابُ الرَّحِيمُ 118 ١١٨

[Nagpatawad Siya] sa tatlo na iniwanan; hanggang sa nang sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito, sumikip sa kanila ang mga sarili nila, at nakatiyak sila na walang madudulugan laban kay Allāh kundi tungo sa Kanya [ay dumulog sila], pagkatapos tumanggap Siya ng pagbabalik-loob sa kanila upang magbalik-loob sila. Tunay na si Allāh ay ang Palatanggap ng pagbabalik-loob, ang Maawain. (118)

Tafsīr
Talagang tumanggap na si Allāh sa tatlo ng pagbabalik-loob. Sila ay sina Ka`b bin Mālik, Murārah bin Ar-Rabī`, at Hilāl bin Umayyah, na mga pinagkaitan [dati] ng pagbabalik-loob at ipinahuli ang pagtanggap sa pagbabalik-loob nila matapos ng pagpapaiwan nila sa pagsugod kasama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – papuntang Tabūk. Kaya nag-utos ang Propeta – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – sa mga tao ng pag-iwas sa kanila. May dumapo sa kanila na lungkot at lumbay dahil doon hanggang sa sumikip sa kanila ang lupa sa kabila ng luwang nito at sumikip ang mga dibdib nila dahil sa nangyari sa kanila na pangungulila. Nalaman nila na walang kalingaan para sa kanila na makapagpapakalinga sila maliban kay Allāh lamang. Kaya naawa Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagtutuon sa kanila sa pagbabalik-loob. Pagkatapos tumanggap Siya sa pagbabalik-loob nila. Tunay na Siya ay ang Palatanggap ng pagsisisi sa mga lingkod Niya, ang Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba