Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 122)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 122

وَمَا كَانَ الْمُؤْمِنُونَ لِيَنْفِرُوا كَافَّةً ۚ فَلَوْلَا نَفَرَ مِنْ كُلِّ فِرْقَةٍ مِنْهُمْ طَائِفَةٌ لِيَتَفَقَّهُوا فِي الدِّينِ وَلِيُنْذِرُوا قَوْمَهُمْ إِذَا رَجَعُوا إِلَيْهِمْ لَعَلَّهُمْ يَحْذَرُونَ 122 ١٢٢

Hindi nangyaring ang mga mananampalataya ay ukol na humayo sa kalahatan. Kaya bakit kasi hindi humayo mula sa bawat pulutong kabilang sa kanila ang isang pangkatin upang magpakaunawa sa relihiyon [ang mga naiwan] at upang magbabala sila sa mga tao nila kapag bumalik ang mga ito tungo sa kanila, nang sa gayon ang mga ito ay mag-iingat [sa parusa ni Allāh]. (122)

Tafsīr
Hindi nararapat para sa mga mananampalataya na sumugod sila sa pakikipaglaban nang lahatan, upang hindi sila malipol kapag nanaig sa kanila ang kaaway nila. Kaya bakit kaya hindi sumugod sa pakikibaka ang isang pangkat kabilang sa kanila at manatili ang isang pangkat upang makisama sa Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at magpakaunawa sa relihiyon sa pamamagitan ng naririnig nila mula sa kanya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Qur'ān at mga patakaran ng Batas ng Islām, at magbabala sa mga tao nila ng natutunan nila kapag bumalik ang mga ito tungo sa kanila, sa pag-asang mag-ingat ang mga ito sa pagdurusa mula kay Allāh at parusa Niya para sumunod ang mga ito sa mga ipinag-uutos Niya at umiwas sa mga sinasaway Niya. Ito noon ay sa mga ekspedisyong ipinadadala ng Sugo sa mga pook. Pumipili siya para sa mga ito ng isang pangkatin kabilang sa mga Kasamahan niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba