Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 124)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 124

وَإِذَا مَا أُنْزِلَتْ سُورَةٌ فَمِنْهُمْ مَنْ يَقُولُ أَيُّكُمْ زَادَتْهُ هَٰذِهِ إِيمَانًا ۚ فَأَمَّا الَّذِينَ آمَنُوا فَزَادَتْهُمْ إِيمَانًا وَهُمْ يَسْتَبْشِرُونَ 124 ١٢٤

Kapag may pinababa na isang kabanata [ng Qur’ān] ay mayroon sa kanila na nagsasabi: “Alin sa inyo ang nakadagdag sa kanya ito ng pananampalataya?” Kaya tungkol sa mga sumampalataya, nakadagdag ito sa kanila ng pananampalataya habang sila ay nagagalak. (124)

Tafsīr
Kapag nagpababa si Allāh ng isang kabanata sa Sugo Niya – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay mayroon sa mga mapagpaimbabaw na nagtatanong habang nangungutya at nanunuya: "Alin sa inyo ang nakadagdag sa kanya ng pananampalataya ang bumababang kabanatang ito sa pamamagitan ng inihatid ni Muḥammad?" Kaya tungkol sa mga sumampalataya kay Allāh at naniniwala sa Sugo Niya, nakadagdag sa kanila ng pananampalataya sa dating pananampalataya nila ang pagbaba ng kabanata habang sila ay mga pinatutuwa dahil sa bumaba na pagkakasi dahil sa dulot nito na mga pakinabang sa kanila na pangmundo at pangkabilang-buhay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba