Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hinggil naman sa mga nasa mga puso nila ay may sakit, nakadagdag ito sa kanila ng kasalaulaan sa [dating] kasalaulaan nila at namatay sila habang sila ay mga tagatangging sumampalataya. (125)
Tafsīr
Tungkol naman sa mga mapagpaimbabaw, tunay na ang pagbaba ng Qur'ān kalakip ng taglay nito na mga patakaran at mga kasaysayan ay nakadaragdag sa mga puso nila ng karamdaman at rimarim dahilan sa pagpapasinungaling nila sa pinabababa. Kaya nadaragdagan ang karamdaman ng mga puso nila dahil sa pagkadagdag ng pagbaba ng Qur'ān dahil sila, sa tuwing may bumababang anuman, ay nagdududa sa nasaad dito; at namatay sila sa kawalang-pananampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: