Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 128)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 128

لَقَدْ جَاءَكُمْ رَسُولٌ مِنْ أَنْفُسِكُمْ عَزِيزٌ عَلَيْهِ مَا عَنِتُّمْ حَرِيصٌ عَلَيْكُمْ بِالْمُؤْمِنِينَ رَءُوفٌ رَحِيمٌ 128 ١٢٨

Talaga ngang may dumating sa inyo na isang Sugo kabilang sa mga sarili ninyo, na mabigat sa kanya ang anumang ininda ninyo, na masigasig sa inyo, na sa mga mananampalataya ay mahabaging maawain. (128)

Tafsīr
Talaga ngang may dumating sa inyo, O katipunan ng mga Arabe, na isang Sugo kabilang sa lahi ninyo sapagkat siya ay isang Arabe tulad ninyo, na nakahihirap sa kanya ang nakahihirap sa inyo, na matindi ang pagkaibig niya sa kapatnubayan ninyo at pagmamalasakit sa inyo, na siya sa mga mananampalataya, lalo na, ay madalas ang pakikiramay at ang awa.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba