Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Hindi ba kayo nakikipaglaban sa mga taong lumabag sa mga sinumpaan nila at nagbalak ng pagpapalisan sa Sugo samantalang sila ay nagpasimula [sa pakikipag-away] sa inyo sa unang pagkakataon? Natatakot ba kayo sa kanila gayong si Allāh ay higit na karapat-dapat na katakutan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya? (13)
Tafsīr
Bakit hindi kayo nakikipaglaban, O mga mananampalataya, sa mga taong sumira sa mga kasunduan sa kanila at mga tipan sa kanila at nagpunyagi sa pagpupulong nila sa Bahay ng Sanggunian sa pagpapalisan sa Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – mula sa Makkah? Sila ay nagpasimula sa pakikipaglaban sa unang pagkakataon nang tumulong sila sa [Liping] Bakr na mga kaalyado ng [Liping] Quraysh laban sa [Liping] Khuzā`ah na mga kaalyado ng Sugo – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan. Nangangamba ba kayo sa kanila kaya hindi kayo naglalakas-loob sa pakikipaglaban sa kanila gayong si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – ay higit na karapat-dapat na pangambahan ninyo kung kayo ay mga mananampalataya nang totohanan?
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: