Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 14

قَاتِلُوهُمْ يُعَذِّبْهُمُ اللَّهُ بِأَيْدِيكُمْ وَيُخْزِهِمْ وَيَنْصُرْكُمْ عَلَيْهِمْ وَيَشْفِ صُدُورَ قَوْمٍ مُؤْمِنِينَ 14 ١٤

Makipaglaban kayo sa kanila, magpaparusa sa kanila si Allāh sa pamamagitan ng mga kamay ninyo, magpapahiya Siya sa kanila, mag-aadya Siya sa inyo laban sa kanila, magpapagaling Siya sa mga dibdib ng mga taong mananampalataya, (14)

Tafsīr
Makipaglaban kayo, O mga mananampalataya, sa mga tagapagtambal na ito sapagkat tunay na kung makikipaglaban kayo sa kanila ay pagdurusahin sila ni Allāh sa mga kamay ninyo. Iyon ay sa pamamagitan ng pagpatay ninyo sa kanila. Mang-aaba Siya sa kanila sa pamamagitan ng pagkatalo at pagkabihag. Mag-aadya Siya sa inyo laban sa kanila sa pamamagitan ng pagtatalaga ng pananaig sa inyo. Magpapagaling Siya sa sakit ng mga dibdib ng mga taong mananampalatayang hindi nakasaksi sa pakikipaglaban sa pamamagitan ng nangyari sa kaaway nila na pagkapatay, pagkabihag, pagkatalo, at pag-aadya sa mga mananampalataya laban sa mga iyon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba