Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 16)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 16

أَمْ حَسِبْتُمْ أَنْ تُتْرَكُوا وَلَمَّا يَعْلَمِ اللَّهُ الَّذِينَ جَاهَدُوا مِنْكُمْ وَلَمْ يَتَّخِذُوا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلَا رَسُولِهِ وَلَا الْمُؤْمِنِينَ وَلِيجَةً ۚ وَاللَّهُ خَبِيرٌ بِمَا تَعْمَلُونَ 16 ١٦

O nag-akala ba kayo na iiwan kayo samantalang hindi pa naghayag si Allāh sa mga nakikibaka kabilang sa inyo at hindi gumawa sa bukod pa kay Allāh ni sa Sugo ni sa mga mananampalataya bilang kapalagayang-loob? Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo. (16)

Tafsīr
O nagpalagay ba kayo, O mga mananampalataya, na mag-iiwan sa inyo si Allāh nang walang pagsubok? Ang pagsubok ay isang kalakaran kabilang sa mga kalakaran Niya. Susubukin kayo hanggang sa maghayag si Allāh ayon sa kaalamang hayag sa mga lingkod na mga nakikibaka kabilang sa inyo nang may pagpapakawagas para kay Allāh, na mga hindi gumawa sa bukod pa kay Allāh ni sa Sugo Niya ni sa mga mananampalataya ng mga alagad kabilang sa mga tagatangging sumampalataya na tinatangkilik nila at ng mga hinirang kabilang sa kanila na iniibig nila. Si Allāh ay Mapagbatid sa anumang ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya mula rito na anuman. Gaganti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba