Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 18

إِنَّمَا يَعْمُرُ مَسَاجِدَ اللَّهِ مَنْ آمَنَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَأَقَامَ الصَّلَاةَ وَآتَى الزَّكَاةَ وَلَمْ يَخْشَ إِلَّا اللَّهَ ۖ فَعَسَىٰ أُولَٰئِكَ أَنْ يَكُونُوا مِنَ الْمُهْتَدِينَ 18 ١٨

Nagtataguyod lamang sa mga masjid ni Allāh ang sinumang sumampalataya kay Allāh at sa Huling Araw, nagbigay ng zakāh, at hindi natakot maliban kay Allāh. Kaya maaasahan ang mga iyon na maging kabilang sa mga napapatnubayan. (18)

Tafsīr
Nagiging karapat-dapat lamang sa pagtataguyod sa mga masjid at nagsasagawa sa karapatan ng mga ito ang sumampalataya kay Allāh lamang at hindi nagtambal sa Kanya ng isa man, sumampalataya sa Araw ng Pagbangon, nagpanatili sa pagsasagawa ng pagdarasal, nagbibigay ng zakāh ng yaman niya, at hindi nangamba sa isa man maliban kay Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Kaya ang mga ito ay inaasahan na maging mga napapatnubayan tungo sa landasing tuwid. Tungkol naman sa mga tagapagtambal, sila ay ang nagiging pinakamalayo buhat roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba