Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 23

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا آبَاءَكُمْ وَإِخْوَانَكُمْ أَوْلِيَاءَ إِنِ اسْتَحَبُّوا الْكُفْرَ عَلَى الْإِيمَانِ ۚ وَمَنْ يَتَوَلَّهُمْ مِنْكُمْ فَأُولَٰئِكَ هُمُ الظَّالِمُونَ 23 ٢٣

O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa sa mga magulang ninyo at mga kapatid ninyo bilang mga katangkilik kung napaibig sila sa kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya. Ang sinumang tumangkilik sa kanila kabilang sa inyo, ang mga iyon ay ang mga tagalabag sa katarungan. (23)

Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa inihatid ng Sugo Niya, huwag ninyong gawin ang mga magulang ninyo at ang mga kapatid ninyo sa kaangkanan at ang iba pa sa kanila kabilang sa mga kaanak ninyo bilang mga hinirang, na tinatangkilik ninyo sa pamamagitan ng pagkakalat sa kanila ng mga lihim ng mga mananampalataya at pakikipagsanggunian sa kanila, kung nagtangi sila sa kawalang-pananampalataya higit sa pananampalataya kay Allāh lamang. Ang sinumang gumagawa sa kanila bilang mga katangkilik sa kabila ng pananatili nila sa kawalang-pananampalataya at nagpapakita sa kanila ng pagmamahal ay sumuway nga kay Allāh at lumabag sa katarungan sa sarili dahil sa paghahatid nito sa mga hatiran ng kapahamakan dahilan sa pagsuway.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba