Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 27)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 27

ثُمَّ يَتُوبُ اللَّهُ مِنْ بَعْدِ ذَٰلِكَ عَلَىٰ مَنْ يَشَاءُ ۗ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 27 ٢٧

Pagkatapos tumatanggap ng pagbabalik-loob si Allāh matapos na niyon sa sinumang niloloob Niya. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (27)

Tafsīr
Pagkatapos, tunay na ang sinumang nagbalik-loob mula sa kawalang-pananampalataya niya at pagkaligaw niya nang matapos ng pagpaparusang iyon, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya at tatanggap ng pagbabalik-loob niya. Si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila yayamang tumatanggap Siya mula sa kanila ng pagbabalik-loob matapos ng kawalang-pananampalataya at paggawa ng mga pagsuway.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba