Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya maglakbay kayo [O mga Tagapagtambal] sa lupain ng apat na buwan at alamin ninyo na kayo ay hindi magpapawalang-kakayahan kay Allāh at na si Allāh ay magpapahiya sa mga tagatangging sumampalataya. (2)
Tafsīr
Kaya humayo kayo, O mga tagapagtambal, sa lupain sa loob ng apat na buwan na mga tiwasay at walang kasunduan para sa inyo matapos nito ni katiwasayan. Tumiyak kayo na kayo ay hindi makatatalilis sa pagdurusa mula kay Allāh at parusa Niya kung nagpatuloy kayo sa kawalang-pananampalataya ninyo sa Kanya. Tumiyak kayo na si Allāh ay mag-aaba sa mga tagatangging sumampalataya sa pamamagitan ng pagkapatay at pagkabihag sa Mundo at sa pamamagitan ng pagpasok sa Apoy sa Araw ng Pagbangon. Sumasaklaw rito ang mga sumira sa kasunduan sa kanila at ang mga walang-takda na hindi pansamantalang ang kasunduan sa kanila. Tungkol naman sa sinumang may kasunduang pansamantala, kahit pa man higit sa apat na buwan, tunay na lulubusin para sa kanya ang kasunduan sa kanya hanggang sa wakas ng yugto nito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: