Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 30)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 30

وَقَالَتِ الْيَهُودُ عُزَيْرٌ ابْنُ اللَّهِ وَقَالَتِ النَّصَارَى الْمَسِيحُ ابْنُ اللَّهِ ۖ ذَٰلِكَ قَوْلُهُمْ بِأَفْوَاهِهِمْ ۖ يُضَاهِئُونَ قَوْلَ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ قَبْلُ ۚ قَاتَلَهُمُ اللَّهُ ۚ أَنَّىٰ يُؤْفَكُونَ 30 ٣٠

Nagsabi ang mga Hudyo: “Si Ezra ay anak ni Allāh,” at nagsabi ang mga Kristiyano: “Ang Kristo ay anak ni Allāh.” Iyon ay ang sabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila. Pumaparis sila sa sabi ng mga tumangging sumampalataya bago pa niyan. Kumalaban nawa sa kanila si Allāh! Paanong nalilinlang sila [sa katotohanan]? (30)

Tafsīr
Tunay na bawat isa kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano ay tagapagtambal. Ang mga Hudyo ay nagtambal kay Allāh noong nag-angkin sila na si Ezra ay anak ni Allāh. Ang mga Kristiyano ay nagtambal sa Kanya noong nag-angkin sila na ang Kristo Jesus ay anak ni Allāh. Ang sabing iyon na ginawa-gawa nila ay sinabi nila sa pamamagitan ng mga bibig nila nang walang paglalahad ng patotoo roon. Sila ay nakawawangis sa sabing ito sa sabi ng mga tagapagtambal bago pa nila, na mga nagsabi: "Tunay na ang mga anghel ay mga babaing anak ni Allāh." Pagkataas-taas si Allāh kaysa roon ayon sa malaking kataasan! Magpahamak nawa sa kanila si Allāh! Paano silang nalilihis palayo sa katotohanang malinaw tungo sa kabulaanan?

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba