Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 32)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 32

يُرِيدُونَ أَنْ يُطْفِئُوا نُورَ اللَّهِ بِأَفْوَاهِهِمْ وَيَأْبَى اللَّهُ إِلَّا أَنْ يُتِمَّ نُورَهُ وَلَوْ كَرِهَ الْكَافِرُونَ 32 ٣٢

Nagnanais sila na mag-apula sa liwanag ni Allāh sa pamamagitan ng mga bibig nila samantalang tumatanggi si Allāh maliban na magpalubos Siya sa liwanag Niya, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya. (32)

Tafsīr
Ang mga tagatangging sumampalataya na ito at iba pa sa kanila kabilang sa nasa isa sa mga kapaniwalaan ng kawalang-pananampalataya ay nagnanais sa mga paninirang-puri nilang ito at pagpapasinungaling nila sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na magbigay-wakas sa Islām, magpabula rito, at magpabula sa nasaad dito na mga katwirang maliwanag at mga patotoong hayag sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at sa katotohanan ng inihatid ng Sugo Niya. Tatanggi si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – maliban na mabuo Niya ang relihiyon Niya, maipangibabaw Niya ito, at maitaas Niya ito sa iba pa rito, kahit pa nasuklam ang mga tagatangging sumampalataya sa pagbuo sa relihiyon Niya, pagpapangibabaw rito, at pagpapataas dito sapagkat tunay na si Allāh ay maglulubos dito, magpapangibabaw nito, at magpapataas dito. Kapag nagnais si Allāh ng isang bagay, nawawalang-saysay ang pagnanais ng iba pa sa Kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba