Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 34

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا إِنَّ كَثِيرًا مِنَ الْأَحْبَارِ وَالرُّهْبَانِ لَيَأْكُلُونَ أَمْوَالَ النَّاسِ بِالْبَاطِلِ وَيَصُدُّونَ عَنْ سَبِيلِ اللَّهِ ۗ وَالَّذِينَ يَكْنِزُونَ الذَّهَبَ وَالْفِضَّةَ وَلَا يُنْفِقُونَهَا فِي سَبِيلِ اللَّهِ فَبَشِّرْهُمْ بِعَذَابٍ أَلِيمٍ 34 ٣٤

O mga sumampalataya, tunay na marami sa mga pantas at mga monghe ay talagang kumakain ng mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at sumasagabal sa landas ni Allāh. Ang mga nag-iimbak ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni Allāh ay magbalita ka sa kanila hinggil sa isang pagdurusang masakit. (34)

Tafsīr
O mga sumampalataya at gumawa ayon sa isinabatas ni Allāh sa kanila, tunay na marami sa mga pantas ng mga Hudyo at marami sa mga relihiyoso ng mga Kristiyano ay talagang kumukuha ng mga yaman ng mga tao nang walang karapatang isinabatas sapagkat kumukuha sila ng mga ito sa pamamagitan ng panunuhol at iba pa, habang sila ay pumipigil sa mga tao sa pagpasok sa relihiyon ni Allāh. Ang mga nagtitipon ng ginto at pilak at hindi nagbibigay ng kinakailangan sa kanila na zakāh sa mga ito ay magpabatid ka sa kanila, O Sugo, ng ikasasama ng loob nila sa Araw ng Pagbangon na isang pagdurusang nakasasakit.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba