Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 35)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 35

يَوْمَ يُحْمَىٰ عَلَيْهَا فِي نَارِ جَهَنَّمَ فَتُكْوَىٰ بِهَا جِبَاهُهُمْ وَجُنُوبُهُمْ وَظُهُورُهُمْ ۖ هَٰذَا مَا كَنَزْتُمْ لِأَنْفُسِكُمْ فَذُوقُوا مَا كُنْتُمْ تَكْنِزُونَ 35 ٣٥

Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga likod nila [ay sasabihin]: “Ito ang inimbak ninyo para sa mga sarili ninyo, kaya lasapin ninyo ang dati ninyong iniimbak!” (35)

Tafsīr
Sa Araw ng Pagbangon ay paniningasin ang tinipon nila at ang ipinagkait nila na karapatan nito sa apoy ng Impiyerno. Kaya kapag tumindi ang init ng mga ito ay ilalagay ang mga ito sa mga noo nila, sa mga tagiliran nila, at sa mga likod nila. Sasabihin sa kanila bilang paninisi: "Ang mga ito ay ang mga yaman ninyo na tinipon ninyo at hindi ninyo ginampanan ang mga tungkuling kinakailangan sa mga ito. Kaya lasapin ninyo ang masamang kinahantungan ng dati ninyong tinitipon, habang hindi ninyo ginagampanan ang mga tungkulin sa mga ito, at ang kahihinatnan niyon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba