Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 37

إِنَّمَا النَّسِيءُ زِيَادَةٌ فِي الْكُفْرِ ۖ يُضَلُّ بِهِ الَّذِينَ كَفَرُوا يُحِلُّونَهُ عَامًا وَيُحَرِّمُونَهُ عَامًا لِيُوَاطِئُوا عِدَّةَ مَا حَرَّمَ اللَّهُ فَيُحِلُّوا مَا حَرَّمَ اللَّهُ ۚ زُيِّنَ لَهُمْ سُوءُ أَعْمَالِهِمْ ۗ وَاللَّهُ لَا يَهْدِي الْقَوْمَ الْكَافِرِينَ 37 ٣٧

Ang pag-aantala [sa pagbabawal sa buwang pinakababanal] ay isang karagdagan lamang sa kawalang-pananampalataya. Pinaliligaw dahil dito ang mga tumangging sumampalataya. Nagpapahintulot sila nito sa isang taon at nagbabawal sila nito sa [ibang] taon upang magtugma sila ng bilang ng ipinagbawal ni Allāh kaya nagpapahintulot sila ng ipinagbawal ni Allāh. Ipinaakit para sa kanila ang kasagwaan ng mga gawain nila. Si Allāh ay hindi nagpapatnubay sa mga taong tagatangging sumampalataya. (37)

Tafsīr
Tunay na ang pagpapaliban sa kabanalan ng buwang binanal tungo sa buwang hindi binanal at ang paglalagay nito sa kinalalagyan niyon – gaya ng dating ginagawa ng mga Arabe sa Panahon ng Kamangmangan – ay isang pagdaragdag ng kawalang-pananampalataya sa dating kawalang-pananampalataya nila kay Allāh yayamang tumanggi silang sumampalataya sa kahatulan Niya sa mga buwang pinakababanal. Nanligaw ang demonyo sa pamamagitan ng mga ito ng mga tumangging sumampalataya kay Allāh nang nagpauso siya para sa kanila ng masagwang kalakarang ito. Nagpapahintulot sila [ng labanan] sa isang taon sa buwang pinakababanal sa pamamagitan ng pagpapalit dito ng isang buwang kabilang sa mga buwang karaniwan. Nagpapanatili sila nito sa pagbabawal dito [ng digmaan] sa isang taon upang magpaalinsunod sila sa bilang ng mga buwan na nagbawal si Allāh [ng labanan], kahit pa sumalungat sila sa mga pinakadiwa ng mga ito, sapagkat hindi sila nagpapahintulot ng [labanan sa] isang buwan malibang nagbabawal sila kapalit nito sa isa namang buwan. Kaya nagpapahintulot sila dahil doon ng ipinagbawal ni Allāh mula sa mga buwang pinakababanal at sumasalungat sila sa kahatulan Niya. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawaing masagwa kaya gumawa sila ng mga ito, na kabilang sa mga ito ang ginawa-gawa nilang pag-aantala [ng buwang pinakababanal]. Si Allāh ay hindi nagtutuon sa mga tagatangging sumampalataya na nagpupumilit sa kawalang-pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba