Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kung hindi kayo hahayo [sa pakikibaka] ay magpaparusa Siya sa inyo ng isang pagdurusang masakit, magpapalit Siya [sa inyo] ng mga [tatalimang] taong iba sa inyo, at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan. (39)
Tafsīr
Kung hindi kayo susugod, O mga mananampalataya, para sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh para makipaglaban sa mga kaaway ninyo ay pagdurusahin kayo ni Allāh sa pamamagitan ng paglupig, pang-aaba, at iba pa rito; magpapalit Siya sa inyo ng mga taong tagatalima sa Kanya, na kapag pinahayo sila para sa pakikibaka ay humahayo sila; at hindi kayo makapipinsala sa Kanya ng anuman dahil sa pagsuway ninyo sa utos Niya sapagkat Siya ay Walang-pangangailangan sa inyo samantalang kayo ay mga maralita para sa Kanya. Si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapahina sa Kanya na anuman, sapagkat Siya ay nakakakaya sa pag-aadya sa relihiyon Niya at Propeta Niya sa halip ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: