Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 43)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 43

عَفَا اللَّهُ عَنْكَ لِمَ أَذِنْتَ لَهُمْ حَتَّىٰ يَتَبَيَّنَ لَكَ الَّذِينَ صَدَقُوا وَتَعْلَمَ الْكَاذِبِينَ 43 ٤٣

Magpaumanhin si Allāh sa iyo; bakit ka nagpahintulot sa kanila [na magpaiwan]? [Sana ay] hanggang sa luminaw sa iyo ang mga nagtotoo at nalaman mo ang mga sinungaling. (43)

Tafsīr
Magpaumanhin si Allāh sa iyo, O Sugo, sa pagpapasya mo sa pagpapahintulot sa kanila na magpaiwan; kaya bakit ka pumayag sa kanila nito? [Sana ay] hanggang sa lumiwanag sa iyo ang mga tapat sa mga pagdadahilan nila na inihain nila at ang mga sinungaling sa mga ito para magpahintulot ka sa mga tapat sa halip na sa mga sinungaling.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba