Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 45)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 45

إِنَّمَا يَسْتَأْذِنُكَ الَّذِينَ لَا يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَارْتَابَتْ قُلُوبُهُمْ فَهُمْ فِي رَيْبِهِمْ يَتَرَدَّدُونَ 45 ٤٥

Nagpapaalam lamang sa iyo [na magpaiwan] ang mga hindi sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw at nag-alinlangan ang mga puso nila kaya sila dahil sa pag-aalinlangan nila ay nag-aatubili. (45)

Tafsīr
Tunay na ang mga humihingi sa iyo, O Sugo, ng pahintulot na magpaiwan sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh ay ang mga mapagpaimbabaw na hindi sumasampalataya kay Allāh at hindi sumasampalataya sa Huling Araw. Tumama sa mga puso nila ang pagdududa sa Relihiyon ni Allāh kaya sila, dahil sa pagdududa nila, ay nag-aatubili habang mga litong hindi napapatnubayan tungo sa katotohanan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba