Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 47)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 47

لَوْ خَرَجُوا فِيكُمْ مَا زَادُوكُمْ إِلَّا خَبَالًا وَلَأَوْضَعُوا خِلَالَكُمْ يَبْغُونَكُمُ الْفِتْنَةَ وَفِيكُمْ سَمَّاعُونَ لَهُمْ ۗ وَاللَّهُ عَلِيمٌ بِالظَّالِمِينَ 47 ٤٧

Kung sakaling sumugod sila kasabay sa inyo ay hindi sana sila nakadagdag sa inyo kundi ng isang paninira at talaga sanang kumaripas sila [sa paninirang-puri] sa gitna ninyo, na naghahangad sa inyo ng sigalot at sa piling inyo ay may mga palakinig para sa kanila. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan. (47)

Tafsīr
Bahagi ng kabutihan na hindi sumugod ang mga mapagpaimbabaw na ito kasama sa inyo sapagkat sila, kung sumugod sila kasama sa inyo, ay walang maidadagdag sa inyo kundi katiwalian dahil sa isinasagawa nila na pagpapakanulo at paghahasik ng kalituhan at talaga sanang kumaripas sila sa gitna ng mga hanay ninyo sa pagpapalaganap ng paninirang-puri para paghati-hatiin kayo. Sa piling ninyo, O mga mananampalataya, ay may nakikinig sa inilalako nila na kasinungalingan, saka tinatanggap ito at ipinalalaganap ito, kaya lilitaw ang alitan sa pagitan ninyo. Si Allāh ay Maalam sa mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga mapagpaimbabaw na naghahasik ng mga intriga at mga pagdududa sa pagitan ng mga mananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba