Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 52

قُلْ هَلْ تَرَبَّصُونَ بِنَا إِلَّا إِحْدَى الْحُسْنَيَيْنِ ۖ وَنَحْنُ نَتَرَبَّصُ بِكُمْ أَنْ يُصِيبَكُمُ اللَّهُ بِعَذَابٍ مِنْ عِنْدِهِ أَوْ بِأَيْدِينَا ۖ فَتَرَبَّصُوا إِنَّا مَعَكُمْ مُتَرَبِّصُونَ 52 ٥٢

Sabihin mo: “Nag-aabang kaya kayo sa amin maliban pa ng isa sa dalawang pinakamaganda samantalang kami ay nag-aabang sa inyo na magpatama sa inyo si Allāh ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya o sa pamamagitan ng mga kamay namin. Kaya mag-abang kayo; tunay na kami ay kasama sa inyo na mga nag-aabang.” (52)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa kanila: "Naghihintay kaya kayo na [may ibang] maganap sa amin maliban pa ang pagwawagi o ang pagkamartir? Kami ay naghihintay na magpababa sa inyo si Allāh ng isang pagdurusa mula sa ganang Kanya, na magpapahamak sa inyo o magpaparusa sa inyo sa mga kamay namin sa pamamagitan ng pagkapatay sa inyo at pagkabihag sa inyo kapag nagpahintulot Siya sa amin ng pakikipaglaban sa inyo. Kaya maghintay kayo sa kahihinatnan namin; tunay na kami ay mga naghihintay sa kahihinatnan ninyo."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba