Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 58)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 58

وَمِنْهُمْ مَنْ يَلْمِزُكَ فِي الصَّدَقَاتِ فَإِنْ أُعْطُوا مِنْهَا رَضُوا وَإِنْ لَمْ يُعْطَوْا مِنْهَا إِذَا هُمْ يَسْخَطُونَ 58 ٥٨

Mayroon sa kanila na tumutuligsa sa iyo kaugnay sa [paghahati ng] mga kawanggawa; ngunit kung nabigyan sila mula sa mga ito ay malulugod sila, at kung hindi sila nabigyan mula sa mga ito, biglang sila ay naiinis. (58)

Tafsīr
Kabilang sa mga mapagpaimbabaw ang namimintas sa iyo, O Sugo, sa paghahati ng mga kawanggawa kapag hindi sila nagtatamo mula sa mga ito ng ninanais nila; ngunit kung nagbigay ka sa kanila mula sa mga ito ng hinihiling nila ay nalulugod sila sa iyo, at kung hindi ka nagbigay sa kanila ng hinihiling nila mula sa mga ito ay nagpapakita sila ng pagmamaktol.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba