Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 67)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 67

الْمُنَافِقُونَ وَالْمُنَافِقَاتُ بَعْضُهُمْ مِنْ بَعْضٍ ۚ يَأْمُرُونَ بِالْمُنْكَرِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمَعْرُوفِ وَيَقْبِضُونَ أَيْدِيَهُمْ ۚ نَسُوا اللَّهَ فَنَسِيَهُمْ ۗ إِنَّ الْمُنَافِقِينَ هُمُ الْفَاسِقُونَ 67 ٦٧

Ang mga lalaking mapagpaimbabaw at ang mga babaing mapagpaimbabaw ay bahagi sila ng isa’t-isa. Nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagkukuyom sila ng mga kamay nila. Lumimot sila kay Allāh kaya lumimot Siya sa kanila. Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga suwail. (67)

Tafsīr
Ang mga mapagpaimbabaw, kalalakihan at kababaihan, ay mga sumasang-ayon sa mga kalagayan ng pagpapaimbabaw. Sila ay nasa kasalungatan sa mga mananampalataya sapagkat nag-uutos sila ng nakasasama, sumasaway sila sa nakabubuti, at nagdadamot sila ng mga yaman nila sapagkat hindi sila gumugugol sa mga ito ayon sa landas ni Allāh. Umiwan sila kay Allāh sa pagtalima sa Kanya kaya umiwan sa kanila si Allāh sa pagtutuon Niya. Tunay na ang mga mapagpaimbabaw ay ang mga lumalabas sa pagtalima kay Allāh, sa daan ng katotohanan patungo sa pagsuway sa Kanya, at sa daan ng pagkaligaw.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba