Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gaya ng mga bago pa ninyo, [O mga mapagpaimbabaw], sila noon ay higit na matindi kaysa sa inyo sa lakas at higit na marami sa mga yaman at mga anak kaya nagtamasa sila ng bahagi nila [sa mga minamasarap ng Mundo] saka nagtamasa kayo sa bahagi ninyo kung paanong nagtamasa ang mga bago pa ninyo sa bahagi nila. Ngumawa kayo ng gaya ng nginawa nila. Ang mga iyon ay nawalang-kabuluhan ang mga gawa nila sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang mga iyon ay ang mga lugi. (69)
Tafsīr
Kayo, O lipunan ng mga mapagpaimbabaw, sa kawalang-pananampalataya at pangungutya ay tulad ng mga kalipunang tagapasinungaling bago pa ninyo. Sila noon ay higit na malaki sa lakas kaysa sa inyo at higit na marami sa mga yaman at mga anak, kaya nagtamasa sila ng bahagi nilang isinulat para sa kanila kabilang sa mga minamasarap sa Mundo at mga ninanasa rito saka nagtamasa kayo, O mga mapagpaimbabaw, ng bahagi ninyong itinakda para sa inyo mula roon tulad ng pagtamasa ng mga tagapasinungaling na naunang kalipunan sa bahagi nila. Ngumawa kayo sa pagpapasinungaling sa katotohanan at paninirang-puri sa Sugo tulad ng pagngawa nila sa pagpapasinungaling at paninirang-puri sa mga sugo. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang napupulaang iyon ay ang mga nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil sa katiwalian ng mga ito sa ganang kay Allāh dahil sa kawalang-pananampalataya. Sila ay ang mga lugi na nagpalugi ng mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: