Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga katangkilik ng isa’t isa sa kanila. Nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila sa nakasasama, nagpapanatili sila ng pagdarasal, nagbibigay sila ng zakāh, at tumatalima sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Ang mga iyon ay kaaawaan sila ni Allāh. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan, Marunong. (71)
Tafsīr
Ang mga lalaking mananampalataya at ang mga babaing mananampalataya ay mga tagaadya ng isa’t isa at mga tagatulong nila dahil sa pagbubuklod ng pananampalataya sa pagitan nila. Nag-uutos sila sa nakabubuti; ang bawat naiibigan ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na mga uri ng pagtalima sa Kanya gaya ng Tawḥid at pagdarasal; sumasaway sila sa nakasasama, ang bawat kinasusuklaman ni Allāh – pagkataas-taas Siya – na mga pagsuway gaya ng kawalang-pananampalataya at pagpapatubo. Nagsasagawa sila ng pagdarasal nang lubusan, ayon sa pinakalubos na paraan. Tumatalima sila kay Allāh at tumatalima sila sa Sugo Niya. Yaong mga nagtataglay ng mga katangiang kapuri-puring ito ay papapasukin ni Allāh sa awa Niya. Tunay na si Allāh ay Makapangyarihan: walang dumadaig sa Kanya na isa man; Marunong sa paglikha Niya, pangangasiwa Niya, at batas Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: