Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya kung nagpabalik sa iyo si Allāh sa isang pangkatin kabilang sa kanila at nagpaalam sila sa iyo para sa pagsugod [sa labahan kasama mo] ay sabihin mo: “Hindi kayo susugod kasama sa akin magpakailanman at hindi kayo makikipaglaban kasama sa akin sa isang kaaway. Tunay na kayo nalugod sa pananatili sa unang pagkakataon, kaya manatili kayo kasama sa mga naiiwan.” (83)
Tafsīr
Kaya kung nagpanumbalik sa iyo si Allāh sa isang pangkat kabilang sa mga mapagpaimbabaw na ito, na matatag sa pagpapaimbabaw nito, saka humingi sila sa iyo ng pahintulot para sa pagsugod kasama sa iyo sa iba pang paglusob, sabihin mo sa kanila: "Hindi kayo susugod, O mga mapagpaimbabaw, kasama sa akin sa pakikibaka ayon sa landas ni Allāh magpakailanman bilang kaparusahan sa inyo at bilang pangingilag laban sa mga katiwaliang ireresulta ng pagsama ninyo sa akin sapagkat nalugod na kayo sa pananatili [sa bahay] at pagpapaiwan palayo sa pagsalakay sa Tabūk. Kaya manatili kayo at mamalagi kayo kasama sa mga nagpapaiwan kabilang sa mga maysakit, mga babae, at mga paslit."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: