Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 91)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 91

لَيْسَ عَلَى الضُّعَفَاءِ وَلَا عَلَى الْمَرْضَىٰ وَلَا عَلَى الَّذِينَ لَا يَجِدُونَ مَا يُنْفِقُونَ حَرَجٌ إِذَا نَصَحُوا لِلَّهِ وَرَسُولِهِ ۚ مَا عَلَى الْمُحْسِنِينَ مِنْ سَبِيلٍ ۚ وَاللَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 91 ٩١

Hindi pagkaasiwa sa mga mahina, ni sa mga may-sakit, ni sa mga hindi nakatatagpo ng igugugol nila kapag nagpakatapat sila kay Allāh at sa Sugo Niya. Wala sa mga tagagawa ng maganda na anumang daan [para masisi]. Si Allāh ay Mapagpatawad, Maawain. (91)

Tafsīr
Hindi [kasalanan] sa mga babae, mga paslit, mga maysakit, mga may kapansanan, mga bulag, at mga maralitang walang natatagpuang maigugugol na yaman upang maipanglaan nila. Walang kasalanan sa mga ito sa kalahatan sa pagpapaiwan sa pagsugod dahil ang mga kadahilanan nila ay umiiral, kapag nag-ukol sila ng kawagasan kay Allāh at sa Sugo Niya at gumawa sila ayon sa batas Niya. Walang daan sa mga nagmamagandang-loob kabilang sa mga may mga kadahilanang ito para sa paglapat ng parusa sa kanila. Si Allāh ay Mapagpatawad sa mga pagkakasala ng mga tagagawa ng maganda, Maawain sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba