Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 92)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 92

وَلَا عَلَى الَّذِينَ إِذَا مَا أَتَوْكَ لِتَحْمِلَهُمْ قُلْتَ لَا أَجِدُ مَا أَحْمِلُكُمْ عَلَيْهِ تَوَلَّوْا وَأَعْيُنُهُمْ تَفِيضُ مِنَ الدَّمْعِ حَزَنًا أَلَّا يَجِدُوا مَا يُنْفِقُونَ 92 ٩٢

Walang [pagkaasiwa sa] mga nang pumunta sa iyo upang magpasakay ka sana sa kanila ay nagsabi ka: “Hindi ako nakatatagpo ng maipasasakay ko sa inyo.” Tumalikod sila habang ang mga mata nila ay nag-uumapaw sa luha dala ng pagkalungkot na hindi sila nakatatagpo ng maigugugol nila. (92)

Tafsīr
Walang kasalanan, gayon din, sa mga nagpapaiwan buhat sa iyo na kung dumating sila sa iyo, O Sugo, ay humihiling sila ng maipasasakay mo sana sa kanila na mga hayop ngunit nagsabi ka sa kanila: "Hindi ako nakatatagpo ng mga hayop na maipasasakay ko sa inyo." Tumalikod sila palayo sa iyo habang ang mga mata nila ay dinadaluyan ng luha dala ng panghihinayang na sila ay hindi nakatagpo ng maigugugol nila mula sa ganang sarili nila o mula sa ganang iyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba