Surah At-Tawbah (Ang Pagsisisi — التوبة) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




9 At-Tawbah(التوبة), Talata 93

إِنَّمَا السَّبِيلُ عَلَى الَّذِينَ يَسْتَأْذِنُونَكَ وَهُمْ أَغْنِيَاءُ ۚ رَضُوا بِأَنْ يَكُونُوا مَعَ الْخَوَالِفِ وَطَبَعَ اللَّهُ عَلَىٰ قُلُوبِهِمْ فَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 93 ٩٣

Ang landas [para masisi] ay sa mga humingi ng pahintulot sa iyo [na magpaiwan] samantalang sila ay mga mayaman. Nalugod sila na sila ay maging kasama ng mga naiiwan. Nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya sila ay hindi nakauunawa [sa kapakanan nila]. (93)

Tafsīr
Noong nilinaw Niya na walang daan para sa kaparusahan ng mga may mga kadahilanan, binanggit Niya kung sino ang nagiging karapat-dapat sa kaparusahan at paninisi sapagkat nagsabi Siya: "Ang daan para sa kaparusahan at paninisi ay nasa mga humihiling na iyon sa iyo, O Sugo, ng pahintulot sa pagpapaiwan palayo sa pakikibaka, samantalang sila ay mga nakakakaya niyon dahil sa pagkakaroon ng maipanglalaan nila. Nalugod sila para sa mga sarili sa kaabahan at pagkahamak na manatili sila kasama sa mga naiiwan sa mga bahay." Nagpinid si Allāh sa mga puso nila kaya sila ay hindi tinatablan ng pangaral habang sila, dahilan sa pagpinid na ito, ay hindi nakaaalam sa may dulot ng kapakanan nila upang piliin ito at may dulot ng katiwalian sa kanila upang iwasan ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba