Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nanunumpa sila para sa inyo upang malugod kayo sa kanila. Ngunit kung malulugod kayo sa kanila, tunay na si Allāh ay hindi nalulugod sa mga taong suwail. (96)
Tafsīr
Sumusumpa ang mga nagpapaiwang ito para sa inyo, O mga mananampalataya, upang malugod kayo sa kanila at tumanggap kayo ng mga kadahilanan nila, kaya huwag kayong malugod sa kanila. Ngunit kung malulugod kayo sa kanila ay sumuway nga kayo sa Panginoon ninyo sapagkat tunay na Siya ay hindi nalulugod sa mga taong lumalabas sa pagtalima sa Kanya sa pamamagitan ng kawalang-pananampalataya at pagpapaimbabaw, kaya mag-ingat kayo, O mga Muslim, na malugod kayo sa sinumang hindi kinalulugdan ni Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: