Surah Ash-Shams (Ang Araw) — سُورَةُ الشمس
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالشَّمْسِ وَضُحَاهَا i
Sumpa man sa araw at sa kaliwanagan nito, (1)
وَالْقَمَرِ إِذَا تَلَاهَا i
sumpa man sa buwan kapag sumunod ito roon, (2)
وَالنَّهَارِ إِذَا جَلَّاهَا i
sumpa man sa maghapon kapag naglantad ito [ng tanglaw] doon, (3)
وَاللَّيْلِ إِذَا يَغْشَاهَا i
sumpa man sa gabi kapag bumalot ito [ng kadiliman] doon, (4)
وَالسَّمَاءِ وَمَا بَنَاهَا i
sumpa man sa langit at sa pagpapatayo Niya nito, (5)
وَالْأَرْضِ وَمَا طَحَاهَا i
sumpa man sa lupa at sa pagkalatag nito, (6)
وَنَفْسٍ وَمَا سَوَّاهَا i
sumpa man sa isang kaluluwa at sa pagkahubog nito, (7)
فَأَلْهَمَهَا فُجُورَهَا وَتَقْوَاهَا i
saka nagpatalos Siya rito ng kasamaang-loob nito at pangingilag magkasala nito; (8)
قَدْ أَفْلَحَ مَنْ زَكَّاهَا i
nagtagumpay nga ang sinumang nagbusilak nito (9)
وَقَدْ خَابَ مَنْ دَسَّاهَا i
at nabigo nga ang sinumang nagparumi nito. (10)
كَذَّبَتْ ثَمُودُ بِطَغْوَاهَا i
Nagpasinungaling ang [liping] Thamūd [kay Propeta Ṣāliḥ] dahil sa pagmamalabis nito (11)
إِذِ انْبَعَثَ أَشْقَاهَا i
nang sumugod ang pinakamalumbay nito. (12)
فَقَالَ لَهُمْ رَسُولُ اللَّهِ نَاقَةَ اللَّهِ وَسُقْيَاهَا i
Kaya nagsabi sa kanila [si Ṣāliḥ,] ang sugo ni Allāh: “[Magpaubaya] sa dumalagang kamelyo ni Allāh at pag-inom nito [sa araw nito].” (13)
فَكَذَّبُوهُ فَعَقَرُوهَا فَدَمْدَمَ عَلَيْهِمْ رَبُّهُمْ بِذَنْبِهِمْ فَسَوَّاهَا i
Ngunit nagpasinungaling sila sa kanya saka kinatay nila ito kaya nagsaklob [ng parusa] sa kanila ang Panginoon nila dahil sa pagkakasala nila saka nagpantay-pantay Siya rito [sa parusa]. (14)
وَلَا يَخَافُ عُقْبَاهَا i
Hindi Siya nangangamba sa pinakakahihinatnan nito. (15)