Surah Aḍ-Ḍuḥā (Ang Umaga) — سُورَةُ الضحى
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالضُّحَىٰ i
Sumpa man sa kaliwanagan [ng umaga], (1)
وَاللَّيْلِ إِذَا سَجَىٰ i
sumpa man sa gabi kapag lumukob ito; (2)
مَا وَدَّعَكَ رَبُّكَ وَمَا قَلَىٰ i
hindi namaalam sa iyo [O Propeta Muḥammad] ang Panginoon mo at hindi Siya nasuklam. (3)
وَلَلْآخِرَةُ خَيْرٌ لَكَ مِنَ الْأُولَىٰ i
Talagang ang Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa Unang-buhay. (4)
وَلَسَوْفَ يُعْطِيكَ رَبُّكَ فَتَرْضَىٰ i
Talagang magbibigay sa iyo ang Panginoon mo kaya malulugod ka. (5)
أَلَمْ يَجِدْكَ يَتِيمًا فَآوَىٰ i
Hindi ba nakatagpo Siya sa iyo na isang ulila kaya kumanlong Siya sa iyo? (6)
وَوَجَدَكَ ضَالًّا فَهَدَىٰ i
Nakatagpo Siya sa iyo na isang nalilingat kaya nagpatnubay Siya [sa iyo]. (7)
وَوَجَدَكَ عَائِلًا فَأَغْنَىٰ i
Nakatagpo Siya sa iyo na isang naghihikahos kaya nagpasapat Siya. (8)
فَأَمَّا الْيَتِيمَ فَلَا تَقْهَرْ i
Kaya hinggil naman sa ulila ay huwag kang manlupig [sa kanya]. (9)
وَأَمَّا السَّائِلَ فَلَا تَنْهَرْ i
Hinggil naman sa nanghihingi ay huwag kang magtaboy [sa kanya]. (10)
وَأَمَّا بِنِعْمَةِ رَبِّكَ فَحَدِّثْ i
Hinggil naman sa kaugnay sa biyaya ng Panginoon mo ay magsanaysay ka. (11)