Surah Al-‘Alaq (Ang Namumuong Dugo) — سُورَةُ العلق
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
اقْرَأْ بِاسْمِ رَبِّكَ الَّذِي خَلَقَ i
Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, (1)
خَلَقَ الْإِنْسَانَ مِنْ عَلَقٍ i
lumikha sa tao mula sa isang malalinta. (2)
اقْرَأْ وَرَبُّكَ الْأَكْرَمُ i
Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Pinakamapagbigay, (3)
الَّذِي عَلَّمَ بِالْقَلَمِ i
na nagturo sa pamamagitan ng panulat, (4)
عَلَّمَ الْإِنْسَانَ مَا لَمْ يَعْلَمْ i
nagturo sa tao ng hindi nito nalaman. (5)
كَلَّا إِنَّ الْإِنْسَانَ لَيَطْغَىٰ i
Aba’y hindi! Tunay na ang tao ay talagang nagmamalabis (6)
أَنْ رَآهُ اسْتَغْنَىٰ i
dahil nakakita siya sa sarili niya na nakasapat. (7)
إِنَّ إِلَىٰ رَبِّكَ الرُّجْعَىٰ i
Tunay na tungo sa Panginoon mo ang [huling] pagbabalikan. (8)
أَرَأَيْتَ الَّذِي يَنْهَىٰ i
Nakakita ka ba sa sumasaway (9)
عَبْدًا إِذَا صَلَّىٰ i
sa isang lingkod [ni Allāh] kapag nagdasal ito? (10)
أَرَأَيْتَ إِنْ كَانَ عَلَى الْهُدَىٰ i
Nakakita ka ba kung siya ay nasa patnubay, (11)
أَوْ أَمَرَ بِالتَّقْوَىٰ i
o nag-utos ng pangingilag magkasala? (12)
أَرَأَيْتَ إِنْ كَذَّبَ وَتَوَلَّىٰ i
Nakakita ka ba kung nagpasinungaling siya [inihatid ng Sugo] o tumalikod siya? (13)
أَلَمْ يَعْلَمْ بِأَنَّ اللَّهَ يَرَىٰ i
Hindi ba siya nakaalam na si Allāh ay nakakikita [ng ginagawa niya]? (14)
كَلَّا لَئِنْ لَمْ يَنْتَهِ لَنَسْفَعًا بِالنَّاصِيَةِ i
Aba’y hindi! Talagang kung hindi siya tumigil ay talagang hahablot nga Kami sa bumbunan: (15)
نَاصِيَةٍ كَاذِبَةٍ خَاطِئَةٍ i
isang bumbunan na nagsisinungaling, nagkakamali. (16)
فَلْيَدْعُ نَادِيَهُ i
Kaya tumawag siya sa kapulungan niya. (17)
سَنَدْعُ الزَّبَانِيَةَ i
Tatawag Kami sa mga bantay [ng Impiyerno]. (18)
كَلَّا لَا تُطِعْهُ وَاسْجُدْ وَاقْتَرِبْ ۩ i
Aba’y hindi! Huwag kang tumalima sa kanya, magpatirapa ka, at lumapit ka [kay Allāh]. (19)