Surah Al-Bayyinah (Ang Malinaw na Patunay — البينة) (Talata 6)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




98 Al-Bayyinah(البينة), Talata 6

إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا مِنْ أَهْلِ الْكِتَابِ وَالْمُشْرِكِينَ فِي نَارِ جَهَنَّمَ خَالِدِينَ فِيهَا ۚ أُولَٰئِكَ هُمْ شَرُّ الْبَرِيَّةِ 6 ٦

Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kabilang sa mga May Kasulatan at mga tagapagtambal ay magiging nasa Apoy ng Impiyerno bilang mga mananatili roon. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa sangkinapal. (6)

Tafsīr
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya – kabilang sa mga Hudyo at mga Kristiyano at kabilang sa mga tagapagtambal – ay papasok sa Araw ng Pagbangon sa Impiyerno bilang mga mamamalagi roon magpakailanman. Ang mga iyon ay ang pinakamasama sa mga nilikha dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa Sugo Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba