Surah Az-Zalzalah (Ang Lindol) — سُورَةُ الزلزلة
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
إِذَا زُلْزِلَتِ الْأَرْضُ زِلْزَالَهَا i
Kapag niyanig ang lupa sa [huling] pagyanig nito, (1)
وَأَخْرَجَتِ الْأَرْضُ أَثْقَالَهَا i
at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito, (2)
وَقَالَ الْإِنْسَانُ مَا لَهَا i
at nagsabi ang tao: “Ano ang mayroon dito?” – (3)
يَوْمَئِذٍ تُحَدِّثُ أَخْبَارَهَا i
sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito (4)
بِأَنَّ رَبَّكَ أَوْحَىٰ لَهَا i
dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito. (5)
يَوْمَئِذٍ يَصْدُرُ النَّاسُ أَشْتَاتًا لِيُرَوْا أَعْمَالَهُمْ i
Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila. (6)
فَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرًا يَرَهُ i
Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon, (7)
وَمَنْ يَعْمَلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَرًّا يَرَهُ i
at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon. (8)