Alif. Lām. Rā’. Ang mga ito ay ang mga talata ng Aklat na marunong. Yūnus 10:1 ⧉
Tafsīr:
Alif. Lām. Rā’. Nauna na ang pagtatalakay sa mga kapareho ng mga ito sa simula ng Kabanatang Al-Baqarah. Ang mga talatang binibigkas na ito sa kabanatang ito ay mga talata ng Qur'ān na tahasan, na hinusayan, na naglalaman ng karunungan at mga patakaran.