Nagsasabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Kaya sabihin mo: “Ang nakalingid ay ukol kay Allāh lamang kaya maghintay kayo; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay.” Yūnus 10:20 ⧉
Tafsīr:
Nagsasabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kasi walang pinababa kay Muḥammad na isang tanda mula sa Panginoon niya, na nagpapatunay sa katapatan Niya?" Kaya sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Ang pagbaba ng mga tanda ay lingid na natatangi si Allāh sa kaalaman nito, kaya maghintay kayo ng iminungkahi ninyo na mga tandang pisikal; tunay na ako ay kasama sa inyo kabilang sa mga tagahintay sa mga ito."